![]()
Nasabat ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at National Meat Inspection Service ang 350 kilos ng meat products sa entrapment operations sa isang bahay sa Pasay City.
Dalawang Chinese nationals din ang inaresto na inabutan nila sa bahay.
Natagpuan ang kilo-kilong meat products sa loob ng mga freezer na karamihan ay smuggled galing China.
Ayon sa NMIS, ibinebenta online ang mga karne nang walang kaukulang dokumento.
Nabatid na dalawang beses nagsagawa ng test buy ang mga awtoridad bago ikinasa ang entrapment operations.
Kabilang sa mga nakuhang imported meat products ang Peking duck, yellow chicken at palaka.
Nakumpiska rin ang mga local products na kinabibilangan ng rabbit, gansa at black chicken.
Ayon kay Dr. Fernando Lontoc, Executive Director ng NMIS, umaabot sa ₱183,000 ang halaga ng mga nasabat na karne.
