![]()
Ibinahagi ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na isang European company ang magbubuhos ng $50 million para sa pag-set up ng maintenance, repair, at overhaul hangar sa Clark International Airport.
Sinabi ni BCDA President and CEO Joshua Bingcang na plano ng European company na okupahin ang 40 hectares para sa itatayo nilang hangar.
Aniya, napag-usapan na nila ang terms of partnership at financing.
Nabatid na itatayo ang pasilidad sa ilalim ng 25-year lease sa BCDA.
Tumanggi naman si Bingcang na tukuyin ang kumpanya, na kabilang sa major global firms na nakapag-set up na ng hubs sa Clark International Airport.
