dzme1530.ph

NEDA, sinita ni SP Zuburi

NEDA

Ayon kay Zubiri, halos isang taon na ay hindi pa inilalabas ng NEDA ang mga Implementing Rules and Regulations (IRR) sa mga ipinasang batas ng senado gaya ng Public Services Act, Retail Trade Liberalization Act at Foreign Services Act na solusyon na sana sa iginigiit ng ilang kongresista na restriksyon sa konstitusyon na sanhi kung bakit hindi pa pumapasok ang mga foreign investment sa bansa.

Giit ng senate leader, kung maipapatupad na nang husto ang mga batas ay hindi na kinakailangan pang baguhin ang konstitusyon at hindi na pag-uusapan ang Charter Change (Cha-Cha).

Una nang iginiit ni Zubiri na walang suporta sa senado ang Cha-Cha subalit hindi naman anya nila pipigilan ang pagtalakay dito.

About The Author