DZME1530

PCG, iimbestigahan kung tunay ang permit na ipinakita sa kanila ng MT Princess Empress

Ayon sa PCG, nais nilang alamin kung tunay ang mga dukumentong ito na diumano ay inisyu ng Maritime Industry Authority (MARINA) kung kaya pinayagan itong maglayag bago lumubog noong Pebrero 28 sa karagatang sakop ng Oriental Mindoro.

Diskumpiyado ang PCG dahil sinabi ng MARINA sa nagdaang senate hearing na hindi pa sila naglalabas ng inamyendahang certificate para sa RDC Reield Marine Services, ang may-ari ng lumubog na barko, na nagpapahintulot sa kanilang tanker na MT Princess Empress na mag-operate.

Inamin naman ng RDC Reield Marine Services na siyam na beses silang nakapaglayag ng walang permit.

About The Author