dzme1530.ph

SHIPMENT NG 22,000 METRIC TONS NG LPG, DARATING SA SUSUNOD NA BUWAN

Loading

Inaasahan ang darating sa bansa sa susunod na buwan ang shipment ng 22,000 metric tons ng liquefied petroleum gas o LPG.
 
Ayon kay Energy Undersecretary Sandy Sales, inaasahang makatutulong ang shipment upang matiyak ang sapat na supply ng LPG sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
 
Sinabi ni Sales na ang shipment ay inisyatiba ng Philippine National Oil Company o PNOC.
 
Mula noong April 10, ang supply ng LPG sa bansa ay inaasahang tatagal pa ng 36 na araw.
 
Ang papasok na shipment ay magsisilbing temporary buffer stock habang patuloy ang pagsisikap ng gobyerno na matiyak ang energy security at mabawasan ang impact ng global supply disruptions.

About The Author