dzme1530.ph

SEN. PIA CAYETANO, KINONTRA SA PAHAYAG NA WALANG NANGAMUSTA SA KANILA MATAPOS ANG SHOOTING INCIDENT SA SENADO

Loading

KINONTRA ni Senador Erwin Tulfo ang pahayag ni Senador Pia Cayetano na wala ni isa sa mga minority senator ang nangumusta sa kanila matapos ang shooting incident sa loob ng gusali ng Senado.
 
Binigyang-diin ni Tulfo na sa kanilang chat group sa whatsapp ay nagpadala siya ng mensahe at sinabing kasama sila sa kanyang dasal.
 
Nangamusta rin anya sina Senator Kiko Pangilinan, Senador Bam Aquino at Senador Sherwin Gatchalian
 
Katunayan ay sumagot pa si Senador Camille Villar na nagpasalamat at nagsabing maayos ang kanilang kalagayan.
 
Sinabi ni Tulfo na hindi anya alam kung bakit hindi nabasa ni Cayetano ang mga mensahe.
 
Kagabi ay emosyonal si Cayetano nang almahan ang pahayag ni Senador Risa Hontiveros na parang wala lang ang mga nangyaring pambabatos sa Senado bilang institusyon.

About The Author