dzme1530.ph

SEN. RONALD “BATO” DELA ROSA, MAITUTURING NA FUGITIVE FROM JUSTICE

Loading

Fugitive from justice nang maituturing si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na patuloy na nagtatago matapos magdesisyon ang Korte Suprema na ibasura ang hiling na temporary restraining order laban sa implementasyon ng warrant of arrest laban sa kanya.

Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni former Bayan Muna Party-list Chairman Neri Colmenares, hindi magiging patas ang batas kung hindi ipatutupad ng gobyerno ang warrant of arrest laban kay dela Rosa.

Kasabay nito, kinontra ni Colmenares ang ipinapanukala ni Senador Rodante Marcoleta na payagan si dela Rosa na makasama sa mga aktibidad ng Senado sa pamamagitan ng online.

About The Author