dzme1530.ph

ALAMIN ANG SINTOMAS NG BELL’S PALSY AT PAANO MAIIWASAN

Loading

Ang Bell’s palsy ay isang kondisyon na nagdudulot ng biglaang panlalambot o pagkaparalisa ng mga kalamnan sa isang bahagi ng mukha.

Ayon sa mga eksperto, nangyayari ito kapag namamaga o naiipit ang facial nerve na kumokontrol sa paggalaw ng mukha.

Bagama’t hindi pa ganap na tiyak ang sanhi nito, iniuugnay ito sa mga viral infection tulad ng herpes virus.

Kabilang sa mga sintomas ng Bell’s palsy ang paglaylay ng isang bahagi ng mukha, hirap sa pagngiti o pikit ng mata, pagtulo ng laway, pananakit sa panga o likod ng tainga, at pagbabago sa panlasa.

Paalala ng mga doktor na mahalagang magpatingin agad kapag nakaranas ng mga ganitong sintomas dahil maaari itong mapagkamalang stroke.

Karamihan sa mga may Bell’s palsy ay gumagaling din sa loob ng ilang linggo o buwan sa pamamagitan ng tamang gamutan tulad ng steroids, antiviral medication, at facial exercises.

Pinapayuhan din ang mga pasyente na pangalagaan ang kanilang mga mata dahil maaaring hindi ganap na nakakapikit ang apektadong mata na posibleng magdulot ng pagkatuyo o iritasyon.

About The Author