dzme1530.ph

Scholarship sa mga naulilang anak ng nasawing hepe ng San Miguel Bulacan, siniguro ng PNP

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., na mabibigyan ng scholarship ang mga anak ng pinaslang na si Police chief LTCOL. Marlon Serna.

Sinibi ni Azurin, titiyakin nya na magkakaroon ng magandang kinabukasan ang mga anak ng pumanaw na opisyal at bilang pagkilala  na rin sa magandang serbisyo na inalay nito.

Dinalaw rin ni Azurin ang burol ni Serna sa  Sta. Rosa, Nueva Ecija at siniguro nito sa may bahay ni Serna na makakamit nila ang hustisya.

Matatandaang nasawi si Serna matapos tamaan ng bala sa ulo sa engkwerntro nito sa mga kawatan sakay ng motorsiklo.

Kaya panawagan ng PNP Chief, na sumuko ang mga kawatan na patuloy pa rin pinaghahanap.

About The Author