![]()
Alam mo ba na ang tofu o tokwa ay hindi lamang mura at madaling ihanda kundi mayaman din sa mahahalagang nutrients?
Ginagawa ito mula sa soybeans at magandang alternatibo sa karne dahil mayaman sa plant-based protein.
Narito ang ilan sa mga benepisyo nito:
Una, nakatutulong sa pagbuo at pagpapalakas ng mga kalamnan dahil mayaman ito sa protina at essential amino acids.
Ikalawa, maaaring makatulong sa kalusugan ng puso dahil sa taglay nitong unsaturated fats at isoflavones.
Ikatlo, mabuti para sa mga buto dahil may taglay itong calcium na nakatutulong sa pagpapatibay ng mga buto at ngipin.
Ikaapat, makatutulong sa pagkontrol ng timbang dahil mayaman sa protina at relatibong mababa sa calories.
Ikalima, may taglay itong antioxidants na maaaring makatulong sa pagprotekta sa mga selula laban sa oxidative stress.
Mas mainam na ihanda ang tofu sa pamamagitan ng pag-steam, pagbo-boil, pag-grill o stir-fry kaysa sa deep-frying.
Pinag-iingat naman ang mga may soy allergy dahil posibleng magdulot ito ng allergic reaction.
