dzme1530.ph

PISTON, NAGKASA NG TRANSPORT STRIKE LABAN KAY US PRESIDENT DONALD TRUMP SA NOV. 16

Loading

Inanunsyo ng PISTON ang isang araw na transport strike sa Nov. 16, sa pagbubukas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit 2026 sa Metro Manila.

Ayon kay PISTON President Mody Floranda, sasalubungin ng kanilang mga miyembro ang presensya ni US President Donald Trump sa bansa sa pamamagitan ng kilos-protesta.

Bahagi ito ng serye ng mga aktibidad para tuligsain si Trump na umano’y nagpasiklab ng tensyon sa Middle East na nagresulta sa pagsirit ng global fuel prices.

Ang tigil-pasada sa Nov. 16 ay simula ng serye ng mga kilos-protesta ng transport group na magpapatuloy hanggang sa umalis ang US President.

Una nang nag-anunsyo ang iba’t ibang activist at student groups ng kilos-protesta laban din sa pagbisita ni Trump sa Pilipinas.

About The Author