dzme1530.ph

FOCUS CRIMES, BUMABA NG 32% SIMULA JULY HANGGANG OCTOBER

Loading

Nakapagtala ang PNP ng 32% na pagbaba sa focus crimes sa buong bansa simula Hulyo hanggang Oktubre ngayong taon.

Sa press briefing, sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na 9,047 focus crime incidents ang kanilang naitala sa naturang panahon.

Mas mababa ito ng 4,354 cases kumpara sa 13,401 incidents na naitala simula July hanggang October ng 2025.

Inihayag ni Nartatez na ang pagbaba ay bunga ng araw-araw na pagsisikap ng mga pulis na mapanatiling ligtas ang mga komunidad.

Ang focus crimes ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping of motor vehicles, at carnapping of motorcycles.

About The Author