dzme1530.ph

BRAZILIAN PRESIDENT LULA, BIBISITA SA PILIPINAS SA NOV. 14 AT 15

Loading

Bibisita sa Pilipinas si Brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva sa Nov. 14 hanggang 15 para sa isang state visit.
 
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), darating sa bansa si Lula, batay sa imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bago ang 49th ASEAN Summit and Related Summits, kung saan nagsisilbing host ang Pilipinas bilang chair.
 
Ang Brazil ay sectoral dialogue partner ng ASEAN.
 
Inimbitahan ni Pangulong Marcos si Lula na dumalo sa 49th ASEAN Summit Plenary bilang guest of the chair.
 
Nakatakdang magsagawa sina Marcos at Lula ng bilateral meeting sa Philippine International Convention Center (PICC) para talakayin ang mga paraan para palakasin ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

About The Author