dzme1530.ph

Bilang ng nasawi sa nasunog na MV Lady Mary Joy 3 sa Basilan, 29 lang

Kinumpirma ni Commodore Rejard Marfe ng Philippine Coast Guard District sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nasa 29 ang bilang ng mga nasawi sa nasunog na MV Lady Mary Joy 3 sa Basilan.

Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni Marfe na inatasan na ni PCG Commandant, Admiral Artemio Abu ang Maritime Casualty Investigating Team (MICT) upang magsagawa ng imbestigasyon para malaman ang dahilan ng insidente.

Sa ngayon, wala pa aniyang initial findings kaugnay sa nasunog na MV Lady Mary Joy 3.

Nilinaw naman ni Marfe na hindi overloaded ang barko dahil nasa 430 ang kapasidad nito.

About The Author