dzme1530.ph

GILAS PILIPINAS, INANUNSYO NA ANG LINEUP PARA SA 5TH WINDOW NG FIBA WORLD CUP QUALIFIERS

Loading

Isinapubliko na ng Gilas Pilipinas ang kanilang lineup para sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Magsisilbi itong national team debut ng naturalized player na si Bennie Boatwright para sa Pilipinas.

Pasok pa rin ang mainstays na sina Dwight Ramos, Kevin Quiambao, at AJ Edu habang nakatakdang bumalik sina Quentin Millora-Brown at Rhenz Abando.

Bahagi rin ng lineup sina Kai Sotto, Juan Gomez de Liano, Chris Newsome, CJ Perez, Mike Phillips, at Scottie Thompson.

Sasabak ang Gilas sa dalawang games sa fifth window, kung saan makakasagupa ng Pilipinas ang Syria sa Nov. 27 bago harapin ang Iran sa Nov. 29.

 

About The Author