![]()
Lumobo ng halos 25% ang net inflows ng Foreign Direct Investments (FDI) sa Pilipinas noong Agosto sa pinakamataas nitong level sa loob ng pitong buwan.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nakapagtala ang bansa ng 690 million dollars na FDI net inflows noong Agosto, na mas mataas ng 24.9% mula sa 552 million dollars noong nakaraang taon.
Ito ang highest monthly net inflow sa nakalipas na pitong buwan o simula noong Enero kung kailan naitala ang 800 million dollars sa FDI net inflows.
Bahagya rin itong mas mataas ng 0.15% kumpara sa 689 million dollars na naitala noong Hulyo.
