![]()
Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na sisimulan na ang adjusted mall operating hours sa Metro Manila simula sa November 16.
Ayon sa MMDA, saklaw nito ang mga mall sa Kalakhang Maynila at tatagal hanggang December 25.
Ang adjusted mall operating hours ay itinakda sa 11 AM hanggang 11 PM.
Papayagan naman ang delivery operations mula 11 PM hanggang 5 AM maliban sa mga perishable goods o nasisirang produkto.
Ipagbabawal din ang mall-wide sales tuwing weekdays subalit papayagan ng weekends.
Pinagsusumite naman ang mga mall operators ng traffic management plans dalawang linggo bago ang pagpapatupad ng anumang sale.
