![]()
Binalaan ni Russian President Vladimir Putin ang West laban sa paglaganap ng digmaan ng Ukraine. Ito ay sa pagsasabing handa ang Moscow na gamitin ang lahat ng sandata sa kanilang arsenal, kabilang na ang nuclear, kapag inatake ang kanilang Baltic exclave na Kaliningrad.
Binigyang-daan ng Russian leader na wala siyang plano na atakihin ang anumang European country subalit handa silang tumugon sa Western aggression kung kinakailangan.
Gayundin, kung maipit ang Russian territory sa pagitan ng NATO members na Poland at Lithuania.
Ginawa ni Putin ang babala kasunod ng military drills ng NATO kamakailan malapit sa Kaliningrad, na inilarawan ng bloc bilang defensive exercises para palakasin ang kanilang depensa.