dzme1530.ph

ROBREDO-TULFO TANDEM, NAUNGUSAN NA ANG TAMBALANG SARA-IMEE, BATAY SA SURVEY NG OCTA RESEARCH

Loading

Mas nakararaming Pilipino ang sumusuporta sa tandem nina Naga City Mayor Leni Robredo at Sen. Raffy Tulfo kumpara sa tambalan nina Vice President Sara Duterte at Sen. Imee Marcos, bilang presidente at bise presidente sa 2028 elections.
 
Sa July 4 to 11 survey ng OCTA Research na nilahukan ng 1,200 adult respondents, 45% ang nagsabing iboboto nila ang Robredo-Tulfo tandem habang 42% ang pumili sa Duterte-Marcos tandem para sa hypothetical 2028 presidential at vice presidential match-up.
 
Ayon sa OCTA, bumaba ang bilang ng mga sumusuporta sa Duterte-Marcos tandem kumpara noong unang quarter ng 2026.
 
Nasa 3 percentage points na ang lamang ng Leni-Raffy tandem, na unang beses mula sa serye ng survey ng OCTA na naungusan nila ang tambalang Sara-Imee.
 
Samantala, 8 percent naman ang nagsabi na wala sa dalawang tambalan ang kanilang iboboto habang 4 percent ang undecided at 1 percent ang tumangging sumagot.

About The Author