dzme1530.ph

‘GILAS HIRAYA’, BAGONG PANGALAN NG GILAS PILIPINAS WOMEN

Loading

Ipinakilala ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang “Gilas Hiraya” bilang bagong pangalan ng national women’s basketball team ng bansa, habang patuloy na pinalalakas ang presensya sa international stage.
 
Ang bagong identity ay magbibigay sa women’s national team ng natatanging brand, hiwalay mula sa kanilang men’s counterpart, na taglay ang pangalang Gilas Pilipinas simula pa noong 2009.
 
Hudyat din ito ng panibagong simula para sa programa, kung saan ang pangalang Hiraya ay hinango sa salitang Filipino na iniuugnay sa pag-asa, pangarap, at mithiin.
 
Patuloy naman ang Gilas Hiraya sa paghahanda para sa malalaking international tournaments.

About The Author