![]()
Inamin ng DILG na pinalalakas ng pamahalaan ang kanilang kapabilidad sa pagbabantay sa backdoors ng bansa.
Aminado si Interior Secretary Jonvic Remulla na matagal nang problema sa Pilipinas ang border control.
Sinabi ni Remulla na sa ngayon ay ina-upgrade nila ang kanilang capacity, technology, at monitoring upang mas maayos na maprotektahan ang ating borders.
Sa press conference ng ASEAN Ministerial Meeting on Transnational Crime, inihayag ng kalihim na bumibili na sila ng “better enforcement tools” para mas mabantayan nang maigi ang backdoors.
Binigyang-diin ni Remulla na kumplikado ang problema sa backdoors kaya hindi uubra rito ang simpleng solusyon.
Ang pahayag ng DILG chief ay kasunod ng kanyang anunsyo kahapon na nakalabas ng bansa ang puganteng negosyante na si Charlie “Atong” Ang sa pamamagitan ng backdoor.
