dzme1530.ph

PUBLIKO, HINIMOK NA BANTAYAN ANG PAGDINIG SA FLOOD CONTROL PROJECTS

Loading

“HUWAG kayong kukurap.”
 
Ito ang naging panawagan ni Senador Rodante Marcoleta sa publiko sa nakatakdang nilang pagsasagawa ng pagdinig kaugnay sa flood control scandal.
 
Umapela rin si Marcoleta sa publiko na suportahan ang kanilang pagdinig dahil posibleng ito na ang pinakahuling pagkakataon na lumabas ang katotohanan at manaig ang katwiran.
 
Posible anyang gawin ng Senate Minority ang lahat upang pagtakpa ang katotohanan at ang gagawin naman nila bukas ang magtatakda ng direksyon ng bansa.
 
Samantala, inilutang ni Senate President Alan Peter Cayetano na may ilang kasapi ng Senate Minority bloc ang maaaring madawit sa flood control scam.
 
Sinabi ni Cayetano na maaaring may dahilan na mag-ingay at siraan ang Blue Ribbon ng ilang senador na nabanggit ng 18 dating sundalo na tumanngap din ng male-maletang pera

About The Author