dzme1530.ph

AKSYON NG SENADO NGAYONG ARAW, TINAWAG NA ILLEGAL KUDETA

Loading

TINAWAG na illigal at man-made crisis ni Senate President Alan Peter Cayetano ang ginawang change of leadership ng grupo nina Senador Vicente Tito Sotto III.
 
Tanong ni Cayetano kung namatay na muli ang demokrasya sa Pilipinas at kung ibinasura na ang Konstitusyon.
 
Binigyang-diin niya na ayon sa Konstitusyon, kailangan ang mayorya o 13 sa 24 senador upang makapagsagawa ng opisyal na gawain ang Senado.
 
Sinabi niyang hindi maaaring maghalal ng bagong Senate President o magtalaga ng Acting Senate President kung wala ang kinakailangang bilang ng senador.
 
Iginiit niya na hindi siya nagbitiw, hindi siya natanggal sa puwesto, at wala siyang kondisyon na magbibigay-daan sa pag-upo ng Acting Senate President.
 
Tinawag niya ang mga hakbang laban sa kanya bilang isang “illegal coup d’etat” at paglabag sa Konstitusyon.
 
Ikinababahala rin ni Cayetano ang umano’y pagtatangkang kontrolin ang Senado at pigilan ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee.
 
Inakusahan niya ang kanyang mga kritiko na nais baguhin ang komposisyon ng mga komite upang hindi matuloy ang nakatakdang pagdinig.
 
Sinabi niyang ang pagpapalit sa mga patakaran ng impeachment ay maaaring magdulot ng dagdag na pagkaantala sa proseso.
 
Nanawagan siya na itama ang mga umano’y pagkakamali at iwasan ang mas malalim na krisis pampulitika.

About The Author