dzme1530.ph

KUMALAT NA KOPYA NG TRAVEL AUTHORITY PATUNGONG LAOS, TINAWAG NA “FABRICATED” NI VP SARA

Loading

Kumalat na kopya ng travel authority patungong Laos, tinawag na “fabricated” ni VP Sara.

Tinawag ni Vice President Sara Duterte na “fabricated” o gawa-gawa lang ang kanya umanong travel authority patungong Laos.

Ginawa ni VP Sara ang pahayag matapos kumalat ang travel authority document sa social media na umano’y nagsasabing pinayagan siyang bumiyahe sa Laos.

Sa statement, sinabi ng Bise Presidente na isa itong desperadong hakbang at walang matibay na ebidensya.

Idinagdag ni Duterte na ang dokumento ay hindi kinumpirma ng Office of the President na palagi aniyang inaanunsyo ang kanyang mga biyahe sa ibang bansa.

Inihayag ni VP Sara na ang gawa-gawang dokumento ang pinakabagong desperadong pagtatangka na pabagsakin siya.

Una nang nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang kaugnayan ang mga Duterte sa nasabat na ilegal na droga sa Laos.

About The Author