dzme1530.ph

POSIBLENG EPEKTO SA MGA PROGRAMA NG OVP NG PAGBABAWAS NG BUDGET NITO SA 2027, IKINABAHALA NG ISANG SENADOR

Loading

Nabahala si Senador Imee Marcos sa posibleng epekto sa mga socioeconomic programs ng Office of the Vice President o OVP ng pagbabawas sa budget nito para sa 2027.

Sa pagtalakay sa panukalang budget ng OVP, hiningi ni Marcos ang detalye kung aling mga programa ang maaaring mabawasan at kung paano ito makaaapekto sa mga benepisyaryong umaasa sa tulong ng tanggapan.

Partikular na binanggit ng senadora ang Magnegosyo Ka Day, isang programa ng OVP na nagbibigay ng suporta sa pagnenegosyo at kabuhayan.

Ayon kay Marcos, mahalagang malaman kung magdudulot ng abala o hirap sa mga benepisyaryo ang mga planong pagbabawas sa pondo.

Sinabi naman ni OVP Chief of Staff at Undersecretary Zuleika Lopez na susuriin nilang mabuti at aayusin ang mga programa kasunod ng pagbabawas sa kanilang budget.

Sa halip na palawakin ang abot ng programa sa taong ito, nakatuon ang OVP sa monitoring at evaluation upang matukoy ang epekto nito, kaya binawasan ang target na bilang ng mga benepisyaryo.

Hindi naman tinukoy sa paliwanag ni Lopez kung may iba pang programa ang naapektuhan ng mga pagbabago sa kanilang pondo.

About The Author