![]()
Inalis ng International Criminal Court (ICC) Prosecution ang isang insidente mula sa kanilang trial brief laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng kautusan ng Trial Chamber.
Tinatalakay ng ICC Prosecution at defense team ni Duterte ang ebidensyang isinumite ng prosekusyon bago ang opisyal na pagbubukas ng trial sa Nov. 30.
Tinukoy ng depensa ang iba’t ibang concerns sa mga ebidensya ng prosecution, kabilang na ang large volume.
Hindi naman isiniwalat ng ICC Prosecution sa publiko kung anong kaso ang kanilang tinanggal, dahil nagtataglay anila ito ng sensitibong impormasyon na may kaugnayan sa mga testigo.
Kasalukuyang nakakulong ang dating Pangulo sa The Hague, Netherlands, dahil sa kasong crimes against humanity, kaugnay sa madugong drug war ng kanyang administrasyon.
