DZME1530

Pope Francis mananatili pa ng ilang araw sa pagamutan dahil sa respiratory infection

Kinumpirma ng Vatican na mananatili pa ng ilang araw si Pope Francis sa ospital para magpagaling dahil sa respiratory infection.

Dinala anila si Pope sa Rome’s Gemelli Hospital matapos makaranas ng hirap sa paghinga nitong mga nakaraang araw.

Nilinaw ng Vatican na bagamat may viral infection, negatibo naman ito sa COVID-19 virus.

Dagdag pa ng Vatican, madalas aniyang kinakapos sa paghinga ang Santo Papa dahil sa tinanggal na bahagi ng kanyang baga noong siya ay nag-aaral pa lamang na maging pari sa Argentina.

Samantala labis naman aniya ang pasasalamat ni Pope Francis sa mga nagpadala ng mensahe at dasal para sa kanyang agarang paggaling.

About The Author