dzme1530.ph

AIAI DELAS ALAS, INAASAHAN NA ANG PAGPAPAKASAL MULI NG EX-HUSBAND NA SI GERALD SIBAYAN

Loading

Hindi apektado si AiAi delas Alas sa muling pagpapakasal ng kanyang ex-husband na si Gerald Sibayan na nasa US, kasabay ng pagtiyak na matagal na siyang moving forward.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda,” hiningan ng reaksyon si AiAi sa balitang nagpakasal muli sa ibang babae ang dating mister.

Inamin ng aktres na inaasahan na niya ito nang hiwalayan siya ng dating asawa.

Idinagdag pa niya na kailangan din ni Gerald na magpakasal sa US para manatili ito roon.

Umaasa naman si AiAi na huwag sanang gawin sa iba ang ginawa sa kanya ng ex-husband.

Una nang inihayag ng komedyante na naghain siya ng revocation sa green card petition ni Gerald pagkatapos nilang maghiwalay.

About The Author