dzme1530.ph

DEFENSE SECRETARY TEODORO, BUKAS SA POSIBLENG KANDIDATURA SA PRESIDENTIAL ELECTIONS

Loading

Bukas si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa iba’t ibang oportunidad kabilang na ang muling pagkandidato bilang Pangulo sa 2028 elections.

Gayunman, sa ngayon ay nakatutok aniya siya sa kanyang mga tungkulin bilang kalihim ng Department of National Defense.

Hindi pa rin aniya siya handa na magdesisyon kung sasabak sa halalan sa mas mataas na posisyon sa 2028 dahil marami pa siyang dapat gawin bilang Defense Secretary.

Aminado naman si Teodoro na darating ang panahon na kinakailangan niyang magdesisyon sa kanyang political career subalit ito aniya ay dapat na pag-isipang mabuti.

About The Author