![]()
Idineklara ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang September 12 bilang National Day of Mourning kasunod ng pagpanaw ni National Artist for Literature Resil B. Mojares.
Ito ay makaraang lagdaan ng Pangulo ang Proclamation 1434 na nagsasaad na ang pagpanaw ni Mojares ay malaking kawalan sa mga Pilipino, partikular sa cultural and artistic community.
Hindi aniya matatawaran ang kontribusyon ni Mojares sa literature and cultural studies na nagpayaman sa pag-unawa at pagkilala sa literary at cultural heritage.
Ilalagay naman sa half-mast ang mga bandila ng bansa sa lahat ng government buildings at installations, bukas bilang simbolo ng pagdadalamhati.
Pumanaw si Mojares noong September 5 sa edad na 83.
Si Mojares ang founding director ng Cebuano Studies Center, isang institusyon na tumulong na mailagay ang Cebu sa mapa para sa research and documentation.
