dzme1530.ph

PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, MULING TATAAS

Loading

Muling magpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Sa pagtaya, posibleng maglaro sa ₱4.50 hanggang ₱5 ang dagdag sa presyo ng bawat litro ng gasolina at ₱2 hanggang ₱2.50 sa kada litro ng diesel.

Ito ay batay sa estimates sa Mean of Platts Singapore at foreign exchange trading mula September 7 hanggang 10.

Iaanunsyo naman sa Lunes ang actual price adjustments na magiging epekto sa Martes, September 15.

Nitong Martes, tumaas ng ₱4.69 ang kada litro ng gasolina, ₱5.18 ang bawat litro ng diesel at ₱5.58 ang kada litro ng kerosene.

About The Author