![]()
Ipinagpaliban ng Quezon City Regional Trial Court ang arraignment sa kasong grave threats ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Atty. Paul Lawrence Lim , isa sa legal counsel ng Bise Presidente, may mosyon pang pinag-aaralan ang korte kaya’t hindi muna itinuloy ang pagbasa ng sakdal.
Binanggit ni Lim na isa sa posibleng pinag-aaralan ng hukom ay ang inihain nilang mosyon para sa pagpapalabas ng Temporary Restraining Order sa Korte Suprema laban sa pagdinig ng kaso.
Personal na nagtungo kanina si VP Sara sa korte kasama ang kanyang kapatid na si Davao City First District Rep. Paolo Duterte.
Sinalubong ang magkapatid ng kanilang mga tagasuporta na nag-abang sa labas ng gusali ng korte at isinigaw ang kanyang pangalan habang bitbit ang banners na may nakasulat na “Protect VP Sara.”
