![]()
Kinondena ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang pagbasura sa kanyang unang perjury complaint laban sa kanyang dating tauhan na si Ramil Madriaga.
Inilarawan ng legal team ni VP Sara ang aksyon ng dismissal ng prosecutor sa kanyang kaso bilang politically motivated decision na naglalayong protektahan ang testimonyang puro kasinungalingan.
Kinumpirma ni Atty. Paolo Panelo Jr., legal counsel at spokesperson ng Bise Presidente, na natanggap na nila ang resolution mula sa Office of the City Prosecutor ng Taguig.
Kinontra ni Panelo ang resolution at iginiit na binalewala ng prosecutor ang kanilang mga ebidensya upang protektahan ang mga alegasyon ni Madriaga na naging bahagi na ng political disputes.
Tiniyak naman ni Panelo na hindi pa rin aatras ang Bise Presidente at iaapela ang desisyon sa lahat ng legal channels.
Nag-ugat ang kaso sa pahayag ni Madriaga na tumanggap ang Bise Presidente ng campaign at confidentials funds na idinaan sa illicit channels.
