dzme1530.ph

MAHIGIT DALAWAMPUNG BATANG MAG-AARAL, PATAY SA SUNOG SA DEMOCRATIC REPUBLIC OF CONGO

Loading

Hindi bababa sa dalawampu’t apat na mga bata ang nasawi sa sunog sa Bukavu City na kontrolado ng mga rebelde sa Democratic Republic of Congo.
 
Dalawang paaralan at halos tatlong daang kabahayan na gawa sa kahoy ang sinilaban ng mga rebelde.
 
Ayon sa Vice Governor ng South Kivu Province kung saan matatagpuan ang Bukavu, labinsiyam na mga batang babae at limang batang lalaki ang nasawi sa sunog.
 
Batay sa report, dalawampu’t siyam naman ang nilalapatan ng lunas, kabilang ang dalawampu’t isa na nasa intensive care.
 
Nababahala ang mga residente at health workers na posibleng madagdagan pa ang death toll sa naturang sunog na patuloy pang inaalam ang pinagmulan.
 

About The Author