![]()
Naniniwala ang Malakanyang na maaaring nakaapekto ang political tensions sa bansa sa bigong kampanya ng Pilipinas para sa non-permanent seat sa United Nations Security Council (UNSC).
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na lahat ng political noise at tensions ay nakaapekto, at ito ang naging impresyon ng buong bansa at buong mundo sa Pilipinas.
Aniya, nagiging negatibo ang tingin sa bansa dahil sa mga ingay na karamihan ay mula sa mga obstructionist, gaya ng paglalarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bigo ang Pilipinas na makuha ang non-permanent seat sa UNSC para sa 2027-2028 term, matapos matalo sa Kyrgyzstan sa eleksyon sa UN General Assembly.
