![]()
Inatasan ng liderato ng Philippine National Police ang lahat ng kanilang units na magsagawa ng information campaigns laban sa bullying at palakasin ang online safety matapos ang Tacloban school shooting.
Partikular na inatasan ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang lahat ng Women and Children Protection Desks ng pulisya na paigtingin ang kampanya laban sa karahasan sa mga bata sa pakikipag-ugnayan sa mga paaralan at local stakeholders.
Maging ang PNP Anti-Cybercrime Group ay inatasan na magsagawa ng lectures sa online safety para sa mga estudyante, guro, at school personnel upang matukoy ang cyber threats.
Ipinaalala ni Nartatez na mahalaga ang papel ng law enforcement sa pagpapanatiling ligtas ang learning environment ng mga estudyante.
Bukod dito, dapat ding tutukan ang prevention, protection, at partnership sa educators, parents, at community leaders.
