dzme1530.ph

PINAY TENNIS SUPERSTAR ALEX EALA, TUMANGGAP NG FIRST-ROUND BYE SA NATIONAL BANK OPEN SA TORONTO

Loading

Sisimulan ni Pinay tennis ace Alex Eala ang kanyang kampanya sa susunod na tournament sa second round ng WTA 1000 National Bank Open Tournament sa Toronto.
 
Ito’y matapos makakuha ang bente uno anyos na Pinay ng first-round bye, na isang panibagong milestone, sa kanyang patuloy na pag-angat sa global stage.
 
Itinakda ang National Bank Open simula Aug. 2 hanggang 13.
 
Ito ang second tournament ni Eala sa North American swing ngayong taon pagkatapos ng Mubadala DC Open na itinakda ngayong linggo.
 
Si Eala, na kasalukuyang World No. 28, ay kabilang sa seeded players sa tournament na tumanggap ng opening-round bye at maghihintay ng mananalo sa first-round match para makalaban niya sa second round.

About The Author