![]()
Mayroong 52 days na oil supply ang Pilipinas, as of April 21, ayon sa Malacañang.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na muling ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang tuloy-tuloy na supply ng petroleum products sa bansa.
Kahapon ay pinangunahan ng Pangulo ang ika-apat na meeting ng Uplift Committee, kung saan tinalakay ng mga pinuno ng iba’t ibang ahensya ang mga isinagawang hakbang sa gitna ng krisis dulot ng kaguluhan sa Middle East.
Sa ngayon, 471,000 barrels ng langis ang na-deliver na sa bansa habang panibagong 1 million barrels o orders ang kumpirmadong darating.
