dzme1530.ph

DATING SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ, HINDI BAWAL LUMABAS NG BANSA, AYON SA KANYANG ABOGADO

Loading

Nanindigan si Atty. Ade Fajardo na hindi barred na bumiyahe palabas ng bansa si former Speaker Martin Romualdez.
 
Ayon kay Atty. Fajardo, lawyer spokesman ni Romualdez, tanging immigration lookout bulletin lang ang inisyu sa kanya.
 
At para makabyahe, kailangan lamang nitong makipag coordinate sa proper authorities.
 
Ang pahayag ng abogado ay bwelta sa sinabi ni Omb. Jesus Crispin Remulla na hindi pinayagang makabyahe si Romualdez sa Singapore para sa medical checkup dahil may inindorso na nila sa AMLC na mag-isyu na ng freeze order laban dito.
 
Naglabas din ito ng letter request para sa travel authority ni Romualdez sa Singapore mula April 20 hanggang May 4, 2026.
 
Sa sulat may schedule checkup umano si Romualdez sa isang pagamutan sa Singapore matapos itong sumailalim sa angioplasty
 
Maging ang approval ni House Speaker Faustino Bojie Dy III tru Secretary General Atty. Cheloy Garafil sa travel clearance ay ibinahagi rin ni Fajardo sa House media.

About The Author