dzme1530.ph

MAGHAPONG DEBATE NG SENADO SA PANUKALANG 2027 BUDGET, AARANGKADA NA SA SUSUNOD NA LINGGO

Loading

SISIMULAN na ng Senado ang maghapong debate sa plenaryo para sa 2027 proposed national budget sa Lunes, November 23.
 
Ayon kay Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito, target nilang isumite ang committee report sa proposed budget sa November 20 para sa sponsorship at diretso sa plenary debates sa Lunes.
 
Sinabi naman ni Senate Secretary Atty. Renato Bantug na magiging mula umaga hanggang gabi ang plenary sessions ng Senado hanggang sa November 27.
 
Target kasi ng Senado na maaprubahan ito sa third and final reading sa December 1 at maisalang na sa bicameral conference committee meeting.
 
Habang nagpapatuloy ang plenary deliberations sa budget ay suspendido naman ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
 
Muli ring tiniyak ng liderato ng Senado na mas magiging mahigpit ang pagbusisi nila sa panukalang 2027 budget upang hindi na maulit ang flood control scandal.

About The Author