dzme1530.ph

PERSONAL NA PAGSUSUMITE NG AFFIDAVIT NI VP SARA SA NBI LABAN SA ALEGASYON NI DATING POLICE OFFICER GRACIOSO, IKINUKUNSIDERA NG KAMPO NITO

Loading

Ikinukunsidera ng legal team ni Vice President Sara Duterte na personal na magtungo sa National Bureau of Investigation upang isumite ang kanyang affidavit kaugnay sa mga alegasyon na ipinupukol ni dating police officer Rodulfo Gracioso Jr.
 
Kinumpirma ni Atty. Paul Lawrence Lim, legal counsel ni Duterte, na buo na ang affidavit ng Bise Presidente.
 
Inaasahan namang haharap sa NBI ang mga abogado ng Bise Presidente para sa fact-finding investigation.
 
Una nang itinanggi ng Bise Presidente ang mga alegasyon sa kanya ni Gracioso at sinabing hindi niya ito kilala.

About The Author