dzme1530.ph

PAGTANGGI NI VP SARA DUTERTE SA MGA ALEGASYON SA PAGTANGGAP NG PERA MULA KAY DATING HOUSE SPEAKER LORD ALLAN VELASCO, DAPAT GAWIN UNDER OATH

Loading

Dapat under oath itanggi ni Vice President Sara Duterte ang mga alegasyong ibinabato sa kanya ni dating police officer Rodulfo Gracioso Jr. at hindi sa press conference.
 
Reaksyon ito ni NBI Director Atty. Melvin Matibag makaraang pabulaanan ni VP Sara ang mga ibinibintang sa kanya ni Gracioso.
 
Sinabi ni Matibag na sa ngayon ay wala pang koordinasyon sa kanila ang kampo ni VP Sara kung magsusumite ito ng affidavit.
 
Naniniwala si Matibag na ang binasa ni VP Sara kahapon sa press conference ay ang affidavit na nito.
 
Iginiit ng opisyal na magkakaroon lamang ng force of law o epekto sa batas ang pagtanggi ng Bise Presidente kung gagawin niya ito under oath.

About The Author