![]()
NAUNGKAT sa Day 35 ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ang bank accounts ng ilang kumpanyang iniuugnay sa kanya at sa asawang si Atty. Mans Carpio.
Sa pagsalang sa witness stand ni Leslie Cham ng Security Bank, sinabi niyang walang account sa kanila si VP Sara habang si Atty. Mans Carpio ay mayroong dalawang accounts.
Kinumpirma rin ni Cham na mayroong account sa kanila ang Cale88 Foods Corporation at GenCorp Industries na iniuugnay sa mag-asawa.
Sa pagtatanong ni Senator Judge Kiko Pangilinan, sinabi ni Cham na mayroong dalawang checking accounts ang Cale88 sa kanila, subalit isinara na noong July.
Kinumpirma rin ni Cham sa pagtatanong ni Senator Judge Raffy Tulfo na noong 2024 ay may inflow ang account ng Cale88 ba mahigit P40 million at outflow na mahigit P40 million o naglabas-pasok na pondo.
Habang noong 2025, nagkaroon ito ng total inflow na mahigit P6 million.
Ang GenCorp naman ay may walong peso account sa kanila simula noong 2020 at lahat ay active pa.
