dzme1530.ph

PBBM, suportado ng mga businessmen sa Switzerland

Mga kilalang businessmen sa Pilipinas, nakaback up kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pito sa mga pinaka-mayayamang negosyante sa Pilipinas ang nasa Switzerland para magpaabot ng suporta kay Pangulong Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF).

Nangunguna sa mga kasamang businessmen ng Pangulo si Private Sector Advisory Council Convenor at Aboitiz Group President Sabin Aboitiz.

Kasama rin sa official delegation Sina Jaime Zobel De Ayala ng Ayala Group, Lance Gokongwei ng JG Summit Holdings, Ramon Ang ng San Miguel Corporation, at Enrique Razon ng International Container Terminal.

Kasama din sina Kevin Andrew Tan ng Alliance Global, at Teresita Sy-Coson ng SM Investments.

Una nang inanunsyo ng Department of Foreign Affairs na pangungunahan ni Pangulong Marcos sa Davos Forum ang Economic Team kasama ang Business Leaders.

Ilalatag ng Pangulo ang lagay ng ekonomiya ng bansa kasabay ng pagpapahiwatig na bukas ang Pilipinas para sa Investments.

About The Author