dzme1530.ph

PILIPINAS, PUSPUSAN ANG PAGHAHANDA PARA SA PAG-HOST NG EAST ASIA CUP 2026

Loading

PUSPUSAN ang mga paghahanda sa Rizal Memorial Baseball Stadium para sa pag-host ng Pilipinas sa East Asia Cup 2026 sa Disyembre.
 
Maglalaro ang mga atleta mula sa Singapore, Hong Kong, at Thailand sa makasaysayang venue, na isinailalim sa major facelift sa unang pagkakataon mula nang buksan ito noong 1934.
 
Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio na target nilang tapusin ang facelift sa lalong madaling panahon at maitaas ang stadium sa global standards.
 
Binigyang-diin naman ni Philippine Amateur Baseball Association (PABA) Secretary General Mike Asuncion na ang pag-host sa East Asia Cup sa world-class stadium ay magbibigay ng inspirasyon sa mga atletang Pinoy at ipakita sa rehiyon na seryoso ang bansa na makipagsabayan sa pinakamataas na level.

About The Author