dzme1530.ph

TATLO SA APAT NA ARTICLES OF IMPEACHMENT LABAN KAY VICE PRESIDENT SARA DUTERTE, INIATRAS NA NG HOUSE PROSECUTION PANEL

Loading

MATAPOS mailatag ang lahat ng testigo at mga ebidensya sa tatlong articles of impeachment, nagdesisyon ang House Prosecution Panel na iatras na ang tatlo sa apat na articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
 
Sa kanyang manifestation, sinabi ni Lead Prosecutor Gerville Luistro na hindi na nila itutuloy ang Articles 1, 3, at 4 na may kinalaman sa confidential fund, bribery at grave threat.
 
Sinabi ni Luistro na naniniwala silang sapat na ang mga nailatag nilang mga ebidensya at testigo na may kinalaman sa Article 2 o ang unexplained wealth upang i-convict si VP Sara.
 
Idinagdag ni Luistro na sa pamamagitan ng pag-aatras nila ng tatlong articles ay mas kaunting mga dokumento at testimonya na lamang ang susuriin ng senator-judges.
 
Inalmahan naman ito ni Atty. Sheila Sison, lead ng defense team, dahil nailabas na anya ng prosekusyon ang lahat ng alegasyon kaugnay sa confidential funds at grave threat at hindi sila mabibigyan ng pagkakataong dipensahan ito.
 
Sinabi naman ni Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero na ang pag-atras sa mga artikulo ay hindi lamang nakadepende sa desisyon ng prosekusyon o ng dipensa.
 
Ipinaalala ni Escudero na sa sandaling inihain na ang kaso, nasa hurisdiksyon na ito ng korte at anumang manifestation ay kinakailangang aksyunan ng mga hukom.

About The Author