dzme1530.ph

PNP, PALALAKASIN ANG DIGITAL INVESTIGATION CAPABILITIES LABAN SA HUMAN TRAFFICKERS

Loading

Palalakasin ng Philippine National Police ang kanilang digital investigation capabilities laban sa mga human traffickers na ginagamit ang online platforms para samantalahin ang vulnerable individuals.
 
Inatasan ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang lahat ng police units sa buong bansa na palakasin ang kanilang intelligence gathering at investigations, partikular laban sa trafficking networks na gumagamit ng internet sa pagre-recruit ng mga biktima.
 
Ito ay kasunod ng pananatili ng Pilipinas bilang Tier 1 ranking sa 2026 Trafficking in Persons Report ng US Department of State.
 
Welcome naman sa PNP ang naturang recognition dahil sa kanilang pagsisikap na maipatupad nang maayos ang mga batas.

About The Author