dzme1530.ph

PAGKAKAKILANLAN NG 60 BIKTIMA NG MV JUNE ASTER, NATUKOY NA

Loading

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na natukoy na ang pagkakakilanlan ng lahat ng animnapung nasawi sa trahedya sa MV June Aster.
 
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, kinilala ng PNP Forensic Group ang mga biktima habang patuloy ang proseso sa 11 iba pa.
 
Nagtayo na rin ang lokal na pamahalaan ng Coron ng one-stop shop assistance desk sa Emergency Operations Center para sa release ng mga bangkay.
 
Isa sa tinitingnang pinagmulan ng sunog ay ang cargo area ng barko kung saan nakalagay ang isang electric vehicle.

About The Author