![]()
Inaasahang dadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikaapat na status conference ng International Criminal Court Trial Chamber III sa kanyang kasong crimes against humanity.
Kung sakali, ito ang ikalawang personal appearance ng dating pangulo sa court proceedings.
Huling nagpakita ang dating punong ehekutibo sa ikatlong status conference noong September 16.
Una nang idineklara ng mga hukom na physically and mentally well si Duterte na humarap sa paglilitis at dipensahan ang kanyang sarili.
