dzme1530.ph

#WalangPasok sa Camarines Norte dahil sa lindol at masamang panahon

Sinuspinde ng maraming Local Government Units (LGU) ang mga klase sa paaralan dahil sa nararanasang masamang pahanon at dulot ng nangyaring lindol sa Camarines Norte kanina.

Sinuspinde rin ni Camarines Norte Governor Ricarte “Dong” Padilla ang pasok ng mga government employee bunsod ng 4.8 magnitude tectonic quake na tumama sa probinsya pasado ala-singko kanina.

Narito ang listahan ng mga suspendidong klase sa lahat ng level.

  • Camarines Norte
  • Catanduanes
  • Bato
  • Baras
  • Gigmoto
  • Pandan

Masama din ang panahon sa lalawigan dahil sa dalawang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na nagpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ayon sa PAGASA.

About The Author